Galing ako sa sakit kahapon at hindi naman ako nahirapan... madalas ayoko nagkakasakit pero ngayon iba... siguro naghahanap ako ng kalinga pero ngayon mas gusto ko ang MAPAGISA.
Naghahanap ako kahapon.. Oo kahapon. Naghahanap ng pagbuo ng pagkatao. Naghahanap ng mga piraso na hinanap ko sa pag aalaga ng pagmamahal. Na nakita ko... o napilitan hanapin... SA AKING SARILI.
Maraming beses na ako nagkakasakit... at mahirap ito sa pakiramdam... masakit sa kalooban... pero wala ng mas sasakit pa nung iniwan mo ako.
Kailangan lang talaga... o kailangan ko pa... HANAPIN ang aking sarili sa mundo ni Reynolph.
Nagkaroon ako ng panahon kahapon magnilaynilay... nakahiga sa kama... nakagilid ang mga unan... nakakalat ang kumot, punda at bed sheet... na nagsisilbing ka siping tuwing gabi... simula mawala ka...
Natuto akong kumain ng almusal, tanghalian at ang ating dating pinagsasaluhang hapunan... madalas ko talaga itong maalala.. lalo na ang ating ulam na harutan, malalalim na kwentuhan, walang ka kwenta kwentang huntahan at sari-saring karanasan na lubos na nagpasarap sa bawat butil ng pagmamahal na mistulang kanin na kung minsan ay dino-double rice ko sa sarap... GUSTO ko pa i-unli rice sa sobrang sarap.... ngunit ngayon... natuto na akong maging mag-isa.
Ilang araw... buwan, linggo, at malapit na maging taon na akong pagod... hindi sa pagtatrabaho... pero sa kakaisip sayo.
Lunch time na... madalas ang mga tao ay kumakain ng normal... pero ako, ayoko... ayoko na rin sa iyo... ayoko rin munang kumain kasi meron akong LBM... pero mas ayokong magmahal dahil masasaktan lang ako... masasaktan lang ako na makita kang masaya. Makita kang maayos, makita kang komportable... Pero yun ang hangad ko sayo... wag mo lang isipin na masaya ako sa sinabi ko...
Ang pagbabalik na ito ay nag-uumpisang lasunin ang ideya ko ng pagibig... Umibig at nagpaibig, ibig at pag-ibig. Sa pagtulak ng aking bibig... Siguradong kabig lang ito ng dibdib...
-AkoNgaSiReynolph