Hindi inisip ng payong ko na mahirap lang ako, pilit niya pa rin ginagampanan ang kanyang tungkulin... sinasakluban ako at hindi hinahayaang mabasa ang aking makapal ( NOTE: makapal pa) na buhok at bunbunan ( Oo, pati bunbunan) laban sasakit na dulot ng tubig ulan na galing sa lahat ng water source (including canal, estero, ihi mo! at ihi niya pati nating lahat) o payong ko ipaglalaban kita ... thanks for defending me.
IM SORRY...
Ito na lang ang huli kong nasabi sa kanya before the public execution...
Ganap na alas nuebe singko ( 9:05) ng mangyari ang hindi dapat. Wala akong nagawa. No choice ako... Oo na ako na ang nagkasala pero bakit ba? bakit ba ganito ang kapalaran kailangan kitang saktan. IM SORRY na talaga.
Pero dahil kaibigan, kamag anak , o magulang kita ( kasi wala naman akong tagahanga)... ikukwento ko ang nangyari ( wag mo naman ako isumbong sa kapitan ng mga payong)...
Pag para ko sa isang dyip, papunta na akong dapitan (kasi malapit ito sa aking pupuntahan) ako ay naguumpisa ng umariba at nakipag uunahan sa lahat ng mga kasabay ko na kasama ang kanilang mga butihing payong ( kasama na ako doon). pag apak ko sa dyip sinabihan ko ang aking payong na tama na kailangan niya ng magpahinga... pero pilit siyang nagmatigas. pinilit ko ( wag niyo ako masabihan na hindi ko sinubukan) nakiusap ako... nasa harap na kami ng harap ng maraming tao nagmamatigas pa rin siya... I HAD NO CHOICE...
nakita ko kung paano ko siya pinilit at nasira sa proseso... Nasira ko ang kanyang kanina lang ay namumukadkad na panapal... hindi ko gusto... binali ko lahat ng kanyang mga bakal na joints na tila unti unti na niya akong iniwan... pinagtitinginan na kami ng mga tao ( at kapwa niya payong) hanggang sa tila wala na ako masira at sa huli iniwan ko na siya ( sa loob ng dyip).
O tadhana, ang lupit mo naman bakit kailangan ako sa kamay ko pa... alam mo naman na hindi ko dapat siya sinaktan pero sadyang kay lupit mo at tuwirang pinagawa mo sa akin yun. Tila isang malupit na titig ang tumatarak sa aking pagkatao ng nagdala ako ng perwisyo sa marami... E anong magagawa ko gusto ko pa rin isalba ang isang magandang samahan na nasira ng isang maliit na hindi pagkakaintindihan...
O kay lupit sadyang kay lupit... Wag kayo magalala sa susunod po
100 pesos na ang bibilhin ko para sa inyo
MAPANGHUSGA (Iba lang naman... ikaw siguro hindi dahil kung ganito ka e di sana hindi mo na ito binasa....)
I LOVE YOU....
-AkoNgaSiReynolph
No comments:
Post a Comment