Umaga nanaman marami akong naiisip sa buhay ( lasing nga ako sa ideya) alas otso na pero mahirap talagang bumangon sa kama lalo na kung ang panaginip mo ay siya. oo siya na nga ( pangalanan natin siyang Isaw). Si isaw ay isa sa mga nagpapatibok ng puso ko ngunit espesyal ang umagang ito. Bakit? dahil napanaginipan ko siya. Sabihin niyo ng obsessed,stalker o certified addict pero wala akong pakialam dahil para sa akin isa siyang virus. Oo virus, pero kakaiba dahil napaka sensational ng pagsira niya sa buhay ko. malaki ang ipinagbago ng dalawang buwan sa akin feeling ko nag mature ako ( tapos 3 weeks from now BULOK na) parang balot. hindi ko lubos maisip pero sa loob ng dalawang buwan nahilig ako sa isaw. Ang isaw na ito ay kakaiba sa ibang isaw (siguro kasi hindi siya nakakain) pero sensational pa rin.
Wag kayo magalala wala ako nakukuha sa isaw na ito. Maliban sa sakit ng ulo o di kaya ng Puso ( May puso pa rin ako noh?!@_@) wala ng iba. Sa aking pag gising kanina halos hindi pa rin ako makatayo para na siyang virus na kumakain sa sistema ng utak ko . Marami na rin akong naging antivirus; pero malakas ang kapit ng virus na ito at naging parte na siya ng sistema ko.
Noong araw, medyo ayos ang sistema ko hanggang isang araw dumating ang virus at unti unti ako sirain. Pero kung nababasa mo ito iniiba ko nanaman ang ibig sabihin ng salitang virus, dahil dito ang virus ay MAGANDA, halos nakakabuti pero dahil virus nga, nakakasama pa rin. Siguro makukumpara ko siya aking paboritong libangan ang paginom ng beer. Maraming nagsasabi na nakakasama ang beer sa katawan ng tao; pero para sa akin ang beer ay win/lose situation (P.S. pag inom pala). Pag umiinom ka kasi nasisira ang katawan mo but on the other hand napapabuti nito ang samahan ninyong magkakaibigan. Pagumiinom ka nasisira ang kredibilidad mo again on the other hand ( Oo, napraktis ko ang english ko... KUNG MAY SASABIHIN KA PA sarilihin mo na lang) napapalawak mo ang iyong network o commonly known as circle of friends. Pero iba ang isaw lagi ko siyang pinagmamasdan, kinukulit pero pagdaan ng panahon unti unti na siyang nag mamature pero hindi nabubulok.Hindi siya styrofoam... dahil hindi nga siya istorbo... SA AKIN ISA SIYANG INSPIRASYON.
Oo nagmamahal na ulit ako... Pero hindi litaw kundi tago. nagmamahal ako ng pa ilalim at hindi lumalapat sa highway ng panliligaw. Oo marami ang mag rereact at magsasabing duwag, takot, walang *private organs* pero ano magagawa ko... TAKOT AKONG MAWALA SIYA.
Oo totoo ka ng isipin mong maliit ang pagpapahalaga ko sa aking sarili. Pero hindi ganoon. dahil iba siya sa lahat ng nakilala ko ( Immortal na statement ito. pero bago sa akin) maikukumpara ko siya sa aking pinakahihiligan at ito ( MULI) ay ang beer. Ang beer na kapag lalong pinatagal lalong sumasarap. ganito rin ang Isaw, habang lalong tumatagal ang aming pagkakaibigan lalo niya itong pinapasarap. Pero the good times will always come to an end (kung mali ang ingles ko pakisamahan mo na lang...) tulad ng paborito kong beer siya ay pinalamig.Pinalamig siya ng kanyang mga karanasan, pinalamig siya ng kanyang mga ambisyon o kaya'y pinapait siya ng kanyang paglayo sa akin. Hindi ko ma enjoy ang beer dahil iba na ang gusto ko; Isaw lang ang naiisip ko. Hindi ko ma enjoy ang beer dahil masyado ito pinalamig ang Isaw na pinakamamahal ko. at dahil sa panlalamig na ito, unti unti na akong iniiwan ng isaw ko.
Umaga na naman ganap ng alas nuebe... haharap nanaman ako sa pinakamamahal kong isaw, at hindi ko na rin maintay ang pait ng beer ng buhay. Sana sa umagang ito ay mag dilang anghel ang araw at unti unting painitin ang nanlalamig naming samahan na sa init ay mapapaso ang sinumang lalapit sa amin at yayapusin ko siya sa ilalim nito at magtatampisaw sa pawis sa sobrang init; at ng sa gayon... maibsan ang aking pangungulila at kalungkutan... ayoko ng anti virus... lamunin mo na lang ako ng buong buo...
-AkoNgaSiReynolph
No comments:
Post a Comment