Comment comment haay naku... pinakamadalas ibigay ng mga tao sa ibang tao. minsan ang komentong ito ay nagagamit para makapag formulate ng mga joke (na nakakasakit ng tao). o di kaya makapag pasaya ng ibang tao (pero joke pa rin)...
example ng isang joke na comment:
"ang ganda mo hehehehehe...(JOKE!)"
Pero nasa isip na lang niya yung salitang joke... bakit kaya naimbento ang word na comment? yung COM siguro comes from the english word na "communicate" tapos yung "ment" naman... ( ayon sa SABOG kung brain cells naman) eh galing sa salitang "meant" kaya ayon sa Reynolph'sDic ang ibig sabihin ng comment ay "meant to communicate"...
Oo na oo na sabog nga ako ( dahil sa halimuyak ng estero) at ni walang sabog na nilalang ang susubukang magbasa nito ( siguro mga taga suporta ko na sabog rin) pero what if di ba napag usapan ni merriam o ni webster o ng mga caveman na ganun nga ang sagot sa depenisyon ng "comment".
Nauso siguro ang salitang comment noong panahon ni kopong kopong ( na hindi ko kilala) na commonly known as CHISMIS. Ang chismis ay parang kutsilyo sa iba dahil nakakasira ito ng pagkatao at reputasyon. Pero parang feather lang ito na nagkakaroon ng *tickle* *tickle* effect lang sa mga artista at sasabihan lang sila ng "were just friends" or "thats a lie"... pffft... pagkakaiba nga naman ng normal sa sikat...
Another form of comment ( wow english eeew... JOKE!) eh yung nakikita sa mga social networking sites tulad ng "TESTI" na ( naawa lang sa akin ang mga normal kaya ako binigyan). o kaya naman sa facebook na kahit ang mitong koment na "haha", "hehe", "hihi" o ang pang asar na "weh?" ay pwede ng ipost.
Teknolohiya nga naman maraming naisasagawa, pati chismis pwede mo na basahin o rebyuhin; pati mali mong diskarte sa panliligaw ay pwede irebyu para ma-apply sa bago mong lalandiin PS ( Oo nagmamahal din ako)
Komento komento mabait o malupit na elemento. kahit normal na tao ay binibitawan ito sa kayang kapitbahay, kurakot na pulitiko, sobrang plastik na artista o estranghero, sa kaibigan mo o kahit ang pinakamamahal mo...
kaya siguro o kabanal banalang diyos mo MAG COMMENT KA NAMAN na susubukang tumingin dito sa walang kwentang blog na ito...
-AkoNgaSiReynolph
No comments:
Post a Comment