What is love? Ang tanong na lagi kong nababasa sa slumbook. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang tunay na depinisyon nito. Love lagging topic sa usapan; Classroom, Chatroom, lalo na siguro sa bedroom. After college ito na siguro ang isang topic ng buhay na gustong gusto nating pagusapan. Pero sino ba talaga ang tunay na nakakaintindi??
Lahat may karapatang magmahal; bakla, tomboy, lalake, babae, lahat kahit ikaw at ako. Pero bakit marami pa rin ang naghahanap nito?? May ibang fulfilled Masaya naman ako para sa kanila pero paano yung mga heartless, loveless, payless, (Hehehehe… Pinipilit ang joke) pero di ba? Hindi lahat nagmamahal; iba fling lang, iba wala lang, iba may katext lang, iba still discovering the moment.
Ang pagmamahal ba binibigay? O tinatanggap lang? di ba ang pagmamahal ay pang Masaya? Pero bakit marami ang nalulungkot o nabibigo dahil dito? BUT STILL they love to love? Ano ito parang Pinoy henyo isang misteryo?
Ginagawa ko lang siguro ito dala ng boredom?? Sinusubukang I discover ang misteryo ng pinaka malalang rosas ng mundo at ito ay ang pag ibig?? Pag ibig, love, o kahit anong linggwahe. Sadyang isang malaking puzzle, isang malaking laro na minsan ay kinakaadikan o minsan kinakatakutan. Ah basta siguro ang love ay parang blog na ito… sadyang MAGULO?!?!?!?!
AkoNgaSiReynolph
AkoNgaSiReynolph
No comments:
Post a Comment